D.I.Y CAR WINDSHIELD CLEANER
Posted on May 03, 2021 09:04:37 AM

D.I.Y CAR WINDSHIELD CLEANER

Ngayong tumataas muli ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 virus, madami na naman sa atin ang natatakot lumabas ng tahanan. Naalarma rin maging ang mga kapwa natin riders, car and vehicle owners na dalhin sa Car Cleaning Services ang kanilang mga sasakyan lalo na’t baka napuno na ulit ng alikabok at dumi ang kanilang mga windshield.

But, Pertua is here to help you and teach you some DIY Cleaning for your Car Windshield para hindi mo na kailangan lumabas ng bahay at itaya ang iyong kalusugan.

  1. THE POWER OF VINEGAR, DISTILLED WATER AND DISHWASHING SOAP

All you need are:

  • ¼ cup of vinegar (Tinatanggal nito ang mga dumi at mga naipong alikabok sa windshield mo)
  • 2 cups of distilled water (much better than the tap water)
  • ½ tsp of liquid dishwashing soap (it breaks up the surface tension that allows the vinegar na mas makalinis pa at makapasok sa surface ng glass)
  • 1 large spray bottle
  • Microfiber cloth or soft paper towels (para hindi magasgasan ang salamin mo)

Direction:

Madali lang ‘to at yakang-yaka mo! Pagsamahin at haluin lamang ang lahat ng ingredients at ilagay sa spray bottle. Pwede itong ipanglinis mano-mano sa iyong windshield o gawing windshield washer fluid. Huwag lang itong hayaang magtagal ng sobra sa salamin.

  1. LEMON JUICE

Tulad ng suka, ang lemon juice ay mayrong acidic solution na may kakayahang makalinis ng dumi na mas malinis kaysa sa paggamit ng sabon at tubig lamang nang hindi nasisira ang iyong salamin. Pwede mor in itong gamitin sa paglinis ng pintuan ng iyong sasakyan.

All you need are:

  • 2 tbsp of lemon juice
  • 1 tbsp of vinegar
  • 1 cup of water
  • A microfiber cloth
  • A spray bottle

Direction:

Paghaluin ang lahat ng ingredients na nabanggit and shake well. Use the spray bottle and spray the surace of your windshield, pagkatapos ay punasan sa pababang direksyon gamit ang microfiber cleaning cloth. Huwag gumamit ng tap water dahil ang minerals nito ay nagdudulot ng streaks sa glass.

  1. GAMITIN ANG SIKAT NA ALCOHOL NGAYON

Ngayong pandemic, wala na yatang bahay ang walang may alcohol. Pero, hindi lang ito panlaban sa covid kundi we can use this to clean our windshield. Ang alcohol ay isang excellent disinfectant at nagtataboy ng germs at dumi.

All you need are:

  • 1 cup of distilled water
  • 2 tbsp of distilled white vinegar
  • 1 cup of rubbing alcohol
  • 4 drops of blue food coloring (optional)

Direction:

Paghaluin ang lahat ng ingredients at ilagay sa isang lalagyan. Make sure na mahahalo mo ito ng tama para sa mas magandang epekto.

Pwede mo na itong i-spray sa iyong windshield agmit ang spray bottle at punasan gamit ang microfiber cloth pababa. Ang blue food coloring naman ay optional pero mas mapapaganda nito ang iyong salamin at magmumukhang bago ulit!

At kung nababahala ka naman sa naii-stuck mong engine, Pertua Oil and Metal Treatment (POMT) ang sagot diyan!

May kakayahan itong proteksyunan ang iyong makina mula sa kalawang, mababawasan ang ingay at gaganda naman ang hatak ng sasakyan mo.

 

SAFE KA NA, SAFE ANG WINDSHIELD, AT SAFE PA ANG ENGINE MO!

 

 

 

Back to Blog

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Twitter
Visit Us
Follow Me
INSTAGRAM
YouTube
YouTube