S.A.F.E. CAR CARE CHECKLIST BEFORE SUMMER GETAWAY
Posted on March 23, 2021 10:05:39 AM

S.A.F.E.

CAR CARE CHECKLIST BEFORE SUMMER GETAWAY

 

Nakapag-book na ng resort, nakabili na ng swimming outfit, at nakapag-grocery na ng mga baon ng buong pamilya at barkada. Pero teka, flat ata ang gulong mo at nakalimutan mo pang mag-change oil!

  • ISANG MALAKING ABALA.

Ito ang ilang mga rason bakit kailangan nating ihanda ang pinakamamahal nating Suzuki S Presso, Honda Civic, Jeep Wrangler, Nissan Terrano o anumang sasakyan bago pumuntang beach resort at narito rin ang car care checklist upang maiwasan ito:

  1. Hindi madali ang on-road repairs at mahal kapag nasiraan ka ng gulong. Hindi rin ganoon kadali makahanap ng mekaniko sa daan. Bonus mo na lang kung marunong ka. Pero abala pa rin imbis na lumalangoy ka na.

 sEE TIRES AND TIRE PRESSURE

-Inspeksyunin ang mga gulong ng iyong sasakyan pati na rin ang iyong reserba. Tingnan mo kung may butas, hiwa, uka, o umbok. Insert a quarter upside down into grooves upang masuri ang gulong. Suriin ang presyon ng gulong habang ang kotse ay nasa idle mode at malamig na ang mga gulong . Inflate as needed to the vehicle manufacturer’s recommended pressure. Mahahanap mo ito sa iyong manwal. Huwag gamitin ang numero sa sidewall ng gulong. Gawin mo na, mahirap masiraan ng gulong sa daan!

  1. Mahal ang tow back home kapag engine mo na ang nasira. Hassle of overheating in the middle of your road trip may occur specially during this time of the year. Malaking abala sa kasiyahan ng pamilya o barkada. Mapipilitan kayong mag-commute or mag car rental.

ANALYZE ALL THE FLUIDS IN THE CAR

– Tingnan ang iyong engine oil, coolant at preno, power steering fluids at transmission kung nasa tamang level ba before your trip.

Brake fluid – 88%

Battery – 82%

Transmission fluid – 81%

Tires – 78%

Engine coolant – 77%

Accessory belts – 74%

Timing belt – 69%

Engine air filter – 58%

Windshield wipers – 56%

Oil change intervals – 35%

  1. Malaking problema rin kung sira ang baterya ng iyong sasakyan. At dahil late na kayo, maaaring ma-forfeit or makansela ang resort or hotel reservation mo dahil sa insidente. Stressful para kay misis mag-book o maghanap ulit. Nangangamoy away.

 FIND A POSSIBLE PROBLEM WITH YOUR BATTERY

Inspeksyunin ang baterya ng iyong sasakyan at siguraduhing malinis at mahigpit ang mga kable. Mas mainam kung ipapa-check ito sa mas nakakaalam o eksperto.

  1. At malaking hassle kung nakalimutan mong mag-change oil bago ang inyong byahe. Malulungkot ang iyong mga kasama (anak, mga bata, pamilya, mga kaibigan o kasintahan) dahil sa nangyari. Buhangin na, naging bato pa. Summer vacation na, naging away pamilya pa.

ENSURE IF CHANGE OIL IS NEEDED

Mahaba- haba ang biyahe kasama ang buong pamilya o kaibigan. Sakit sa ulo kapag nakalimutan mong mag-change oil o hindi maganda ang ginagamit mong engine oil. Maingay, madumi sa engine at makalawang, mabagal ang hatak na magpapadali sa buhay ng engine at sasakyan mo.

Kaya naman nirerekumendang gumamit ng Pertua Oil and Metal Treatment (POMT) o iba pang Pertua products sa iyong susunod na change oil bago tumungo sa summer destination. Marami ng nagpatunay na nababawasan nito ang ingay ng makina, nalalabanan ang pangangalawang at magsasagip sayo sa nakabantang gastos sa sasakyan.

Everyone is excited for this summer after a year of lockdown due to the pandemic and fun can’t be busted by auto problems. Hindi ligtas na gumamit ng sasakyan papunta sa iyong summer destination kasama ang pamilya at kaibigan nang hindi ito naiinspeksyon. Do your car care checklist before your summer getaway! Always remember S.A.F.E. before you go to your travel destination. Yun lang, enjoy!

References:

https://philkotse.com/car-maintenance/driving-101-preparing-your-ride-for-summer-vacation-3871

https://www.aaa.com/autorepair/articles/prepare-your-car-for-summer-travel

Back to Blog

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Twitter
Visit Us
Follow Me
INSTAGRAM
YouTube
YouTube